Ito ang epekto ng pag-iisa. Pag-iisa sa bahay, wala kang makakausap kundi ang aso mong labrador na pinapalabas mo na sa "doghouse" ay ayaw padin. Mahahanap mo ang sarili mong nakatulala sa monitor habang ang background music ay isang love song na sawang-sawa ka na pakinggan ngunit pinapakinggan mo pa dahil may masayang malungkot na alaala ito. Yung tipong gusto mong balikan ang dati, ngunit sa kanta na lamang pwede.
O di kaya makikita mo ang sarili mong kumakanta at sumasayaw sa saliw ng Tide is High ng Atomic Kitten. O di kaya panonoorin mo ng paulit-ulit ang music video upang ma-memorya mo ang kanilang steps. Para kapag maganda ang mood mo eh masasayaw at makakanta mo iyon.
Madidismaya ka sa pimples sa noo na bakit ngayong linggo pa tumubo eh malapit na ang iyong band practice kasama ang iyong mga bagong ka-banda. Kung kelan ka na lamang lalabas ng bahay, dun ka pa pangit.
Tas wala ka na talagang magawa, kukuha ka ng papel at bolpen. Saka gagawa ng tula, kanta, essay o drawing habang kumakanta ng Ikaw Lamang ng Silent Sanctuary, ngunit ang ginuguhit mo ay ang demonyo mong EX na may sungay at buntot pa. Bigla ka na lang maiiyak kasi naaalala mo yung dati, nung kinakanta pa iyon sa'yo. Tas maiinis ka nanaman dahil naalala mong niloko ka niya.
Maiisip mong kung walang LOVE ay di kikita ang mga banda. Dahil karaniwang kanta ay tungkol sa bwiset na pagmamahal. Ay, sa bwiset mo palang EX o kasalukuyang nobyo. Mas gugustuhin mo pang makinig ng mga kantang pang-broken hearted o kaya kantang galit sa EX kasi matutuwa ka dun. Pero ang totoo ay napaka-bitter mo padin at di mo alam kung mapapalitan mo pa siya sa buhay mo daihl sabi ng nanay mo, eh:
"Anak, wala munang boys."
Matatatak na ito sa isip mo, parang pinagkaitan ka ng karapatan. Maiisip mong doomed ka na sa kakaalala sa EX mo kasi wala kang maipapalit na bago.
ganito ang epekto ng nasa harap ng kompyuter, nakikinig ng love song, nag-iisa sa bahay at walang makausap.
Malala di ba? Kaya mahirap mag-isa.
Labels: pop-up