Oh mahiwagang oatmeal. Ilang buwan ka nang pinapakain saakin ng nanay ko. Lagi na lang iyan ang brunch ko. Ang gising ko kasi lagi ay 10 AM. Tas habang nasa harap ng pc, yan na ang kakainin ko. Tipid mode kasi ang nanay ko ngayon, Tutal 2 lang naman kaming naiiwan dito sa bahay araw araw. Napaka baba na kasi ng palit ng dolyar. Yun ang nakakainis. Kahit anong ayaw ko nang kumain ng oatmeal, napapa OO na lang ako kay mama pag tinatanong niya kung gusto ko kumain. Dun kami click - sa oatmeal. Pero ok naman siguro epekto nito sa katawan ko. Haha.
Ako ay nanalo! Paalam nursing! Belat! Iiwanan na kita. Hindi ko pa naman alam ang ipapalit na course. Clinical psych o IT. Kaya nga kagabi ay kinulit ko si Ate Ame sa YM. Sa PUP na lang ako mag-aaral. Hahaha. Ayoko kasi ng puro thesis kaya parang aayaw ako sa psych. Nung 4th year ako, tamad talaga ako sa research paper. Yun ang pinaka ayaw ko. Ang grade ko dati nung 4th year eh 86 - 90- 87 - 83. Tinamad na talaga ako nung 4th quarter namin. Kaya ngayon, ang ginagawa ko ay review - sa MATH. Dahil hindi talaga ako biniyayaan ng utak dito. Hindi talaga. Oo, baka IT na nga lang. Basta bahala na.
Sana ay bigyan ako ng Diyos ng wisdom para dito. Kasi pagpatak ko ng 18 maaari akong ipasok ng pinsan ko sa Emirates bilang flight attendant. Flight attendant kasi siya doon, sa mga VIP. Baka ako economy lang. Pero ayos na yun. Hehehe. Maaari ko siyang gawin ng ilang taon. Sana doon ay suportahan ako ni Tim. Kagabi kasi, kahit ano daw course ko sususportahan niya ako. Pero sa pagiging flight attendant, ewan daw niya. Haay.
January 9, 2008
eto na
this was scribbled at 11:32 AM | |
January 8, 2008
Pagkakataon
this was scribbled at 11:38 AM | |
Mula nang masabi saakin ni Tim yon, hindi ko alam bakit meron saakin na nagagalak. Siguro ay dahil hiniling ko sa Diyos na pagtibayin kami, at yun ang nangyayari saamin ngayon.
Napagtanto ko na pag humingi ka sa Diyos, hindi niya yun ibibigay agad. Kundi bibigyan ka niya ng pagkakataon para makamit iyon.
Hanggang ngayon ay takot pa din ako. At nalulungkot. Pero ganun talaga. Ngiti na lang. :)

January 6, 2008
by my table i put my elbows and wept
this was scribbled at 4:59 PM | |
Hindi ko maipaliwanag kung ano ang talagang nararamdaman ko ngayon. Natapos ko na kasi basahin ang By the River Piedra I Sat Down and Wept. Mejo nakuha ng atensyon itong si Tim dahil mas nagbabasa pa ako ng libro kesa kausapin siya. Nang matapos kong mabasa iyon, marami akong aral na natutunan. Parang nag iba ang pananaw ko sa ilang mga bagay. The book really moved me. Period.
Bad news.
Malamang na lumipat sila Tim sa Tagaytay. Umiyak siya. Sabi niya saakin sa YM. Mejpo malapit naman. Siguro hindi ako nagpapa-apekto dahil ayoko malungkot. Oo nalulungkot talaga ako. Pero kailangan maging matibay. Hold on *dito papasok ung lecheng kanta ng Shamrock na hooold on, baby hold oon.*
rosei salvador: malapit nmn kahit papano tagaytay
tim: malayo parin bhie
rosei salvador: di yan
tim: yoko nah talaga
tim:
rosei salvador: naiyak ka pa?db iyak mo tulo lng ng luha??
tim: maraming tulo panu bah naman kasi nauulit nanaman yung nangyari sa baguio eh
tim: bumait naman nah akoh
tim: anu pah bah
rosei salvador: d pa naman sure db?
tim: ganun eh bkit lam nah nilang sa boundary ng santa rosa malapit sa bahay ni sharon
tim: eklat nilang di sure eh gustoh nila gulatan parang ginawa nila dati
Kung tutuusin, malapit pa yun kumpara sa iba. Eh ikaw kaya dito sa lugar ko. Baka sakaling maintindihan mo. Pero sana, sana, sana walang katapusang sana eh di matuloy ang paglipat nila. Pero kung matuloy sige. I'll look on the bright side. Distance won't change anything. Kaya yan.

January 3, 2008
Destiny
this was scribbled at 8:15 PM | |
Flashack.. 2 years ago.. Sa music studio..
Halos late na kami. Buti na lang at naka abot pa sa tamang oras. Naghahagikgikan pa kami dahil nakagawa nanaman kami ng eksena, ang FM. Ang Found Missing. Ang banda ko, ang all girl band namin.
Naaawa ako sa ibang banda. Kasi nauna sila dumating. Pero kami nagpa reserver. Ginamit ang eka nga eh - CHARM. Natapos na ang tugtog namin. Pumasok na ang isang banda.
Tinugtog nila ang TARALETS. Lumapit ako sa pinto at napasabi na "Naku, mali yung chords."
At eto namang mga eskandalosa kong mga kabanda na si Niz at Tin ay nagsalita, "Manggagaya!" Piniyok pa.
Sila pala un. Siya pala yung pinansin ko. Sinong mag aakala na matapos ng 2 taon, madaming encounter bilang strangers, pagnanakaw niya ng chords ng Taralets ko, panonood ng BOTB namin sa Canossa - na matapos ng 2 taon ay saka ko lang nalaman, at ang pangunguna ng FM sa banda niya sa studio, eh magiging boypren ko pala?
Siya yung dating pinansin ko na mali ang chords. Siya pala. Kailangan ko munang mahalin ang isang lalaki bago ko siya mapansin. Matagal na palang nagku-krus ang mga landas namin. Ngunit sino ang mag-aakala? Ako? Siya? Sila? Ewan.
Lahat na pala ng kahihiyan kong napala ay nandun ka. Hindi niya ako kilala. Mas lalong di ko siya kilala. Napaka weird. Nagkaron ka ng gf. Nagkaron din ako ng bf. Akala ko ang nauna ay talagang si EX na. Pero hindi e.
Matapos ng ilang buwan, nang sabihin sa kanya ni Jamie ang tungkol sa aming banda. Kinulit niya ako sa FS. Magpapaturo daw ang banda niya, pwede sana ako. Kaso ang iba ay hindi. Malaman lamanan ko na lang matapos ng maraming buwan eh magkukunwari lang pala siyang walang alam para maturuan ko.
Destiny ang pangalan niya dati sa friendster.
Ilang beses bang naudlot ang aming jam? 2. Dahil sa kamalasan. Una ay dahil binunutan ako ng ipin, pangalawa ay dahil sa sore eyes. Ilang buwan din iyon.
At naging magkabanda kami. At dun na. Hehehe. Destiny nga ba ang lahat ng ito? Tayo rin pala.

The love that i thought would last,
Was never really that strong
Just when i thought i found the one,
Destiny went and proved me wrong....
I you Destiny.
Was never really that strong
Just when i thought i found the one,
Destiny went and proved me wrong....
I you Destiny.