dokyu
Nakapanood kasi ako ng dokyu ng iwitness kagabi. Yung tungkol sa "Duaya". Naiinitindihan ko kung iyon ang gusto nila. Pero pano na kaya yung mga asawa? Ito ay opinyon ko lamang. Para saakin, hindi din matatawag na magandang marriage ang ganun dahil marami kang asawa. Parang imposible na mabigyan yun ng equal attention kahit ba sabihin mong madami kang anak.
Tulad na lang nang sa napanood ko na yung unang asawa niya ang lagi niyang sinasama sa gatherings. Ewan ko ba. Eh mambabae pa nga lang yung EX ko nun, di ko na kinaya. Ano pa kaya ang tumira sa isang bubong kasama ng mga asawa ko? Mahirap.
Pangangarap ng gising...
Nakikita ko ang sarili ko na gising pa sa alas dos o alas tres ng madaling araw. Kung para sa ibang tao, ang pagtulog ay parang paghinga lang, ang pagtulog saakin ay isang bagay na mahirap gawin. Kailangan ko pa mag-concentrate ng maigi para antukin. Isipin mo, i exert a lot of effort just to sleep.
Pano kasi, pag gabi na, feeling ko ang tahimik, at masarap mag-isip. Iniisip ko kasi yung itsura ng ipapagawa naming bahay pag nakuha na ni mama yung pera niya. At marami pang iba. Ako na yata ang Reyna ng Pangangarap. Puro pangarap na lang.