Para kasi saakin, parang plastikan lang ang nangyayari sa blogging. Yung kunyare, blog hopping ang gingawa mo para lang dumami yung links mo. Tapos sasabihin mo, nice blog eh di mo naman binabasa. Para lang may makialam sa mga post mo. Ako kasi di ganun. Binabasa ko talga yung post para maintindihan ko yung ka-link ko.
Naisip ko, yung mga problema ko ngayon, wala pa to sa problema ng nanay ko, tatay ko o kaya ng ibang tao lalo na si Gloria Arroyo. Kasi, saakin, problema lang sa pag-ibig. Eh bata pa lang naman ako. Saka, mawawala din ito. Sabi nga ni Yves, mas masarap ang walang iniisip. Tama siya. Siguro memories na lang ang pinanghahawakan ko kaya nasasabi kong may "feelings" pa ako ke Brean. Eh sila, pano mag-bu-budget. Tas ke Gloria eh, paano niya malulusutan ang mga kaanumalyahan. Bwahaha.
Pero alam mo, kung mahal talaga niya ako, matagal na niya akong binalikan. Oh kung di pa man ngayon ang tamang oras, sana man lang tumatawag siya dito, mangumusta man lang. Kaso hindi eh. Ultimo comment ko sa friendster na may fatal words ( yun ang tawag ko sa i love you), di niya tinanggap. Naku ha. Tama na nga. Masyado akong maganda kaya di siya dapat isipin.
Adik na din ako sa gunbound. Nasasanay na akong mapuyat. Haay. Alam mo, anlaki na ng pinayat ko. Saka feeling ko, mula nung binunot yung 1st molar ko, parang ang onti na ng mga ipin ko. Tapos maga pa yung kabila kong pisngi. Nakakainis naman. Pero ok na ngayon kasi di na nasakit.
Simple lang naman akong tao eh. Gusto ko lang maayos na yung brace ko, makapag-salamin na ako at makabili ng magagandang damit. Kaya pag nakatapos na ako sa pag-aaral, magtatrabaho ako agad.
Speaking of pag-aaral, medyo nalulungkot ako na kinailangan kong tumigil ng konting panahon pero masaya na rin dahil matutulungan ko si mama. Masaya na ako dun. Kaso nga lang, iniisip ko yung good moral at trancript ko sa school. Kung sa dasma ako mag-aaral, kailangan pa nun ng school seal at recommendation galing sa teacher. Err. Ayoko pa namang bumalik sa school.
Pagkatapos ng bawat araw, nag-papasalamat na lang ako sa Diyos na nakakaraos kami.
Unti-unti na akong namumulat kung gaano kalupit ang buhay.
Labels: insomnia post