Mula ngayon, kinamumuhian ko na ang candy mix, pick and mix at ano pang candy stand (kahit paborito ko ang green apple belt, kung yun man
ang tawag sa candy na iyon.). isama mo na rin ang mga kinahihiligan ng
mga bata na "jollibee".
Kasama ko kasi ang pamangkin ko nung nagpunta ako ng sm. akala ko kasi ang magbe-behave siya. Actually, wala talaga akong pera na extra na dala. Akala ko kasi hindi siya magtuturo pati, magpapalamig lang naman ako.
AKALA.
kakapasok lamang namin sa SM. naglakad ng kaunti at nakita niya ang candy mix. nagturo.
sabi ko ala akong dalang pera. umiyak.
di ko na lang pinansin. naisip ko na umuwi na agad para maiwasan ang iba pang pagtuturo at pag-iyak.
ok na eh. tapos, walandyo talaga. may isa pa palang candy stand sa kalagitnaan ng mall. lalong nagtatarang. kumusta naman yun?
nakakainis na talaga.
dedma na lang ako. di ko na lang siya pinagalitan dahil mapapahiya ako sa mall. may dala akong batang naiyak.
derecho lakad pa din. dito na lumabas ang jollibee. lalong umiyak.
halos natakbo na ako papunta sa exit. Buti naman nung pasakay na ng jip medyo tumahimik na siya.
lesson: wag magdadala ng 3 year-old sa mall nang wala kang extrang pera
na dala. pati, wag ka pupunta ng mall mag-isa kung may dala kang bata.
mas ok pag may karamay ka sa kahihiyan pag naiyak ang bata, pati
sa kanya mo mapapa-handle ang bata. Hehe.

Labels: embarassing moments