Mahal na ang lahat ng bilihin. Tumataas na nga yung presyo nito, pero ang mga sweldo ng mga tao ay di tumataas. Naainis ako dahil ang dolyar ngayon ay mababa na. Paano naman ang ipinapadala ni itay na dolyares? Bababa ang matatanggap naming pera. Kung sinasabing umuunlad nga ang Pilipinas, para sa akin, dapt nakikita din ito sa mga mamamayan nila.
Ako ay isang batang may alam na kahit papano sa totoong mundo, mulat ako sa kahirapan (nagpapakatotoo lang ako.), sanay ako sa hirap. Hindi ba nakakainis na ang mga mahihirap ay mas lalong naghihirap?
Sa hirap ng buhay ngayon, sino ba ang dapat sisihin?
Labels: pulitika