1. Nursery- STAY BESIDE THE CHALK BOARD AND FACE THE CLASS
Asa gilid ako ng chalk board, pinarurusahan sa salang di ko ginawa. Ito ang mag-shower ng laway sa aking mga classmates. Bata pa lang ako ay may etiquette na ako. Sa kabilang ibayo ng board ay ang totoong may sala (na siguro ay nagdawit saakin) na si CARLO. Buti pa siya, face the wall beside the chalkboard. Hindi niya mararanasana ang kahihiyan na nangyari saakin. Bwiset ka Carlo.
2. Grade 6 - FLAG CEREMONY
Favorite kasi akong pag-initan ng adviser ko. Isang masayang Lunes noon. Masaya ito ngunit nang tinawag na ako ni Teacher Myla upang mag-beat sa Lupang Hinirang, gumuho na ang mundo ko. Hindi ako marunong. Napahiya ako sa mga elem students. Hindi lang yun, pagdating namin sa classroom, pinag-beat ako sa klase. Anlaki ko na daw di pa din ako marunong nun. Malay ko ba.
3. 4th Year High School - BATTLE OF THE BANDS
Nakakainis dahil iyon na yung "night" ko para mag-shine. Nag-shine nga ako, sa ibang paraan. Naghahanda na kami sa stage dahil kami na ang tutugtog. Inaayos ko yung effects kaya umupo ako para ikabit yung jock. Eh napabukaka ako ng onti. Tas spotlight pa naman ako. Iyon, peep show kumbaga dahil 1st time kong mag-MINI SKIRT at purple boyleg panty ang suot ko. Sabi ng aking boyf that time na nakitaan daw ako. Ibig sabihin hindi lang siya kundi ng buong MADLA. Yun ang carelessness!
4. 4th Year High School - JAZZ UP YOUR CLOTHES
Ito ay project namin sa Zoology kung saan you'll JAZZ UP daw ang inyong clothes. Ako at ang aking ka-grupo/bandmate/bestfriend na si DEN DEN at isa pang ka-grupo na si Angelica (na walang kwenta) ay naintindihan na clothes lamang ang i-jazz up.
Nagtahi kami ng beaded seahorse sa kaliwang parte ng shirt. Ayos, sabi namin. Baka nga arborin pa ni Ms. Servo yan! MALI KAMI. Kinabukasan, nakita namin na COSTUME pala ang ginawa ng lahat. COSTUME. Yung tipong may pakpak ka parang butterfly o di kaya may dots ang iyong t-shirt upang magmuka kang dalmatian. Ikumpara mo naman sa ginawa naming 3 in. x 2 in. na seahorse na asa shirt lang.
Dapat daw kasi ay may model sa isang grupo. Kinuha namin si Angelica para siya na lang ang mag-model dahil kami naman ang gumawa. Malapit na ang modelling. Wala padin si Angelica. Absent pala siya. Wala akong nagawa kundi suotin na lang ang t-shirt habang nakatingin sa nagbobonggahang costume ng mga schoolmate ko. Naiyak talaga ako sa hiya dahil bawat model ay rarampa. Makikita kaya nila ang mumunting seahorse na tinahi namin? HINDI.
Wala akong nagawa kundi mag-model. Habang naglalakad, hiniling ko sa Diyos na lamunin na lang ako ng lupa. Ngunit di pumayag ang Diyos. Tiniis ko na lang ang hiya. 1000 mahigit na estudyante ang nanood saakin. Nasira angimage ko bilang model nung recognition namin nung 2nd year.
5. Nursery or Kinder - UNITED NATIONS, MS. NEW ZEALAND
Ewan ko ba sa nanay ko. Sa dinami-dami ng bansa sa mundo, bakit New Zealand pa ang napili niya? Buti nga ala akong dalang gatas nung UN namin. Pwede namang Hawaii o kaya Japan. Hmm, ""Beautiful Girl" pa yung kanta. Nag-eensayo kami sa 2nd floor ng clubhouse. Bigla akong nasubsob. Tawanan ang mga classmates ko. Mga maldita!
6. 1st Year High School - INTRAMS, GREEN HORNETS MUSE
Sinusumpa ko na di na ako papayag maging muse. Napatunayan ko naman ito nung inalok akong maging muse ng mga kaklase ko sa team nila sahil sasali sila sa liga.
Nung 1st year ko unang naramdaman kung paano HABULIN ng lalaki. Siya ang aking almost-boyfriend-na-sana-natuloy-dahil-he's-oh-so-damn-hot-and-perfect. In short, ako ang naging muse ng GREEN HORNETS. At "siya" ay escort ng Blue nalimutan ko na eh.
Sa Mr. and Ms. Intrams, may question and answer at modelling. Ang ganda ng sagot ko sa question and answer, pang BEAUTY QUEEN. Kaso natalo ako sa modelling dahil di ako magaling doon. Natalo ako nang mag-OTSO OTSO ang muse ng blue team. Tae! Kung alam ko lang. Sana nag-tumbling ako para nanalo ako.
Nakakaliit ang mga kapwa muse ko dahil ang gaganda at mapuputi sila. Di tulad ko na neg neg.
Ang ending, ang escort ng green hornets at muse ng blue ewan ang nanalo. Kami ni almost-bosyfriend-na-sana-natuloy-dahil-he's-so-oh-so-damn-hot-and-perfect-na-
taken-na-ngayon ay pumatak na mga 2nd runner up.

my-almost-naging-boyfriend-na-sana-natuloy-dahil-he's-so-oh-so-damn-hot-and-perfect-
na-taken-na-ngayon pero hindi sa babaing katabi niya dahil yan si DEN DEN ang kanyang kunyaring kapatid. Uber gwapo sa personal. Best drummer, varsity basketball player, gentleman, responsible, intelligent. PERFECT. Kay Greyzel, alagaan mo ang my-almost-naging-boyfriend-na-sana-natuloy-dahil-he's-so-oh-so-damn-hot-and-perfect-
na-taken-na-ngayon.
Ganyang lalaki ang magiging boyfriend ko!
Labels: embarassing moments