Gulat na gulat ako. Tas nakita ko randomly chosen pala. Haha.
Matagal ko nang nakikita ang filipino blog of the week na yun.
Hindi ako gagaya sa iba na "parang" nanlilimos (pasubali sa mga tinamaan) ng boto. Hehe.
Gusto ko kasing iboto ako dahil sa nilalaman ng blog ko hindi dahil sa nag-request
akong iboto nila ako.
Nakakatuwa dahil may award palang ganun. Biruin mo, yung blog mo, mapapansin
ng mga tao. Hindi ito pagpapalakas o anu man, natutuwa lang kasi ako.
Ang ginawa ko ay, nag-post ng bulletin sa friendster na nagsasabi na iboto nila ako
kung sa tingin nilang karapat-dapat iboto ang blog ko. Yun lang.
Naku, ukas na lang uli, pinapagalitan na ako kasi kanina pa daw ako nakababad sa harap ng pc.
Labels: pop-up