Kuntento at masaya na ako sa buhay ko. Hindi ko rin kailangan ng lalaki
upang sumaya ako. Tama na kasi ang isa. Napagtanto ko na di ako dapat mag-bf dahil:
1. Di pa tama ang oras para roon. At hindi dadating ang oras na iyon! Hahahahaha!
2. Bata pa ako.
3. Di pa ako emotionally ready.
4. Marami pa akong kailangang unahin na mga bagay.
5. Di naman mauubos ang lalaki sa mundo. Sabi nga ni Sarah "Fergie" Ferguson sa "Fergielicious", BOYS COME AND GO LIKE SEASONS.
6. "Love is an excuse to get hurt."
7. Mapipilitan ka mag-load lagi.
8. Magpapaganda ka para sa kanya, hindi para sa sarili mo.
9. Gastos.
10. Masaya maging single.
11. Masasaktan ka lang.
12. Sakit sa ulo.
13. Nakaka-kunsume.
14. Madaming manloloko sa mundo.
15. Hinihintay ko ang kanta na yun na kantahin saakin ng isang lalaki. Alam ko namang walang makakahula kung ano iyon.
16. Mababawasan ang oras para sa sarili mo.
17. Sa una lang naman sila magaling.
18. Wala ka nang masyadong kalayaan.
19. Dapat mag-ingat ka sa mga salita at galaw mo para di siya masaktan.
20. Kokontrolin ka lalo na sa pagdadamit mo. Kung pwede nga lang eh pagsuotin ka ng baro't saya at balutin sa kumot para lang di makita ng mga tao ang balat mo.
21. Ultimo mga kaibigan ay pinagseselosan.
Kaya ko pa mag-enumerate ng madami. Pero hanggang diyan na lang. I therefore conclude that i am in an ANTI-MALE STATE.
Labels: boys