Minsan naman, ang buo mong paligid ang nagbabago. Ang mga kaibigan mo, mga taong malapit sa'yo nagbabago. Ang mga dati mong laging kasama ay bibihira mo na lang makakasama. Napapanood mo ang pagdaan ng mga araw. Paglipas ng buwan, ng taon. At ikaw na lang ang di nagbabago. Maiisip mo na, napag-iiwanan ka na ba, o di kaya, bakit ganito padin ako. Baka naman ikaw ang nagbago at hindi sila.
Ewan ko. Ganito pala ang buhay pagkatapos ng haiskul. Sarili-sarili na ang mga buhay. Miminsan ka na lamang nila makakasama kasi nga, busy.
Paglipas ng mga taon, ang mga kaibigan ko ay sila pa ba? Iiwanan ba nila ako? O ako ang mang-iiwan sa kanila? Magbago na ang lahat, pero wag lang ako.
Kapag nililingon ko ang dating ako, wala namang naiba. Ako pa din ang mahiyaing bata. Marami lang nadagdag dahil mas natuto ako sa buhay, mas minahal ko ang sarili ko. Mas naging matibay ang pananampalataya at loob ko.
Labels: pop-up