Bukas ng 8:20 AM, birthday ko na. At sana, di na ako magising ng 11 o kaya 12 PM. Isa kasi akong "sleeping beauty". Ang sarili kong term na ibig sabihin ay takaw tulog. Simple lang akong tao. Simple lang din ang wish ko.
Tama bang sabihin ko na dito ang wish ko? Hmpf, sige na nga! Pinipilit mo ako eh!
Wish ko na sana maging ok na ang lahat.
May konti kasing gulo sa pagitan ni mama at kuya. At ang aking lovelife? Napaka-kumplikado. Kagabi, pinangako ko sa sarili ko na magbabago na ako. Sabi nga ni mak saakin, i never break my promises.
siguro nga i never break my promises kasi nangako ako kay Brean na di ko siya iiwan. Eh nung siya na ang nang-iwan, di ko padin siya maiwan kasi nga nangako nga ako di ba?
Mala Ella Enchanted ba ito? Ang kaibahan nga lang eh ako, di sinisira ang mga pangako, siya sumusunod sa mga utos. Tama nga ba? Di ko pa kasi napapanood yun. Naabutan ko lang sa cable tv yung pag nakanta na sila ng "Don't Go Breaking My Heart".
Ayoko sa lahat ay yung nagku-kwento ng problema ko. Kaso eto, alam kong makakabawa kung ilalagay sa post. Ang mga middle child nga ay mga PACIFIER. Mas lalong lumawak ang pang-unawa ko sa bagay-bagay. Neutral ako kay mama at kuya. Naiintindihan ko ang hinaing ng bawat isa. Di ko alam kung ano ang tamang gawin. Kinausap ko ng maayos at pinagalitan si kuya, nagbabakasakali na umayos na siya. Sa mga panahong ganito, lalo akong humihingi ng patnubay sa Diyos.
Usapang banda naman. Malapit na ang birthday ng banda. Sasali kami kung may battle na pwede. Minsan nanliliit ako. Ako lang kasi ang di nag-aral eh. Pero dapat panindigan ko ang choice ko. Miss ko na sila. Hehe. Eto ang isang bitter fact tungkol sa banda namin: 5 out of 6 saamin ang iniwan ng mga EX at ngayo'y bitter padin, kaya naisip ko ang isa pang pangalan: BITTER EXES. Hahahaha. Pag nawala pa ang banda ko, ewan ko na.