Naniniwala ako na "everything is a choice". Siguro sa ngayon. Pero sa dadating na panahon iyon pa kaya?
Masasabi ko na nalilito ako at nawawala. Kaya nga kasi ako di nag-enrol ngayong sem, ay dahil di ko pa talaga alam ang gusto ko sa buhay. Ayoko naman kasing pasukin ang isang bagay na pagsisisihan ko sa huli.
Na-late ako sa Makati Med. Sayang nga ang slot ko dun eh. Nag-test din ako ng nursing sa Perps. Kaso, naisip ko kung iyon ba talaga ang gusto ko? Sasaya ba ako doon? Sagot: Ewan.
Buo na ang loob kong maging Occupational Therapist. Sinabi ko na kay inay na gusto ko talaga yun. Kaso, nakokonsensya naman akong di mag-nursing. Naaalala ko yung sinabi ko nung graduation ko nung grade 6:
"Someday, when I grow up, I want to be an Occupational Therapist."
Gusto ko. Pero hindi buo ang loob ko. Nalilito ako. Sobrang nalilito.
Kakayanin ko ba ang O.T. kung yun ang kunin ko? Mahirap daw yun sabi ng kuya ko. O.T. din kasi siya eh.
EWAN.
Siguro isang araw, masasagot din ang tanong ko.
Ayoko muna pumasok sa 2nd sem. Bukod sa pagiging irreg, mahihirapan pa ako.
Labels: confusion