Lagi kong naiisip. Bakit may 3rd party? Bakit may babae? Bakit may nanlalalake? Bakit may mga manloloko?
Bakit naghahanap ka pa ng iba eh meron ka naman? Human nature na ba yun?
Ewan ko. Naiinis kasi ako sa mga manloloko. 2 timer. Cheater. Bakit ba nila ginagawa yun?
Ba't di kasi maisaksak sa utak ang FIDELITY. Bakit nambababae pa kung meron na, tas sasabihin, "Di ko naman sinasadya." tapos sa huli magsisisi.
Langya! Di sinasadya?! Anu yun?
Bakit ba ganun ang mga lalake? Naglipana na ang mga manloloko. Ang mga di makuntento sa isa.
Tapos eentra naman sa eksena ang mga kirida. Argh!