hindi sa pag-aaral kundi "sa kanya".
salamat at tapos na ang paghihirap ko. Tama ang paniniwala ko na everything is a choice. pero meron namang mga pagkakataon na wala kang pagpipilian.
hindi masayang pahirapan ang sarili. mahirap. masakit. nakakatanga. nakaka-windang.
tama na siguro ang debosyon ko "sa kanya". tandaan kasi na napapagod din ang tao.
tama na ang drama. iniwan ko na ang nakaraang iyan kaninang umaga. hahaha. ang drama ko talaga.
nakalipas na ang 55 araw n 365 days kong bakasyon. bakasyon mula sa pag-aaral. napatunayan ko na tama lang ang desisyon ko na di mag-enrol sa makati med o perpz sa kursong nursing. ayoko.
mas nanaisin ko pa harapin ang mga special children at bigyan sila ng activities, o di kaya makapagpa-lakad o salita ng isang special child. iba kasi ang pakiramdam.
sa nalalapit kong pagiging disisais (16) anyos, babaguhin ko na ang buhay ko. mas lalo akong titino. di na ako magmumura (kaya ko ba yun?).
sino mang dumating na lablayp ay di ko seseryosohin. sabi ko kasi kay God na huwag muna ipadala ang tamang tao para saakin. pagka-gradweyt ko na lang sa kolehiyo. kaya alam ko na kng sino man ang dumating, ay hindi talaga si PENGUIN.
penguin ang itatawag ko sa THE ONE. bakit?
eh kasi, when penguins find their mates, they stay with them FOREVER. bute pa ang PENGUINS may FIDELITY. eh ang tao, naturingan na ngang may pinaka-mataas na intelligence, di pa alam ang FIDELITY.
nakakatawa noh?
Labels: pop-up