Pero bakit? maganda naman ako ah. May utak, may nag-iisang talent at maunawain. San ka pa diba? Mamaya, mawawala din ito. Siguro ay di lang ako makapag-post ng picture dahil sira pa ang cp ko. Kasi naman noh, napaka-ancient na ng mga pictures ko sa friendster. NAg-iba na nga itsura ko eh. Anywho, mahal ko ang sarili ko. Tanggap ko na rin kung ano ako, at kung anong meron ako. Hindi ko tanggap kung hanggang saan lang ako dahil walang limitasyon ang kaya ko. Alam ko yun. Tamad lang kasi ako. LOL
Sabi nga ni Eleanor Roosevelt (eto nanaman ako sa mga quotable quotes ko):
"No one can make you feel inferior without your consent."
Saka ang aking motto na:
"I was the best I ever had." Totoo naman eh!
Dumarating lang siguro ang oras na down ako. Naniniwala akong may taong PANGET. Yung masama na ang ugali, masama pa ang mukha. Yun yun eh. Hahaha.
Sampung minuto bago mag alas dos ng madaling araw. Ako ay isang nocturnal human being. May ganun ba? haha. Mamaya ay sleeping beauty nanaman ako at giggising ng 12 PM.
Isang pop-up question: Bakit napapapikit ng mata kapag nakayakap??
wala lang. XD
Labels: insomnia post, me post