kinagabihan ng birthday ko, napasok ang sa kahihiyan at gulo ng kuya ko. Tas pag gising ko ng umaga, parang iba na ang lahat. Hindi ko alaaam bakit ganito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito na di ko naman maipaliwanag!
Heto ako, nakapa ng kanta. Just Like a Pill ni Pink. Bago naming pondo. Well, hehe ako pa lang naman nakaisip samin na itutugtog na ito next week. Di ko pa sila natatanong. May pagka-bossy din kasi ako pagdating sa banda lalo na sa tutugtugin kaya naiintindihan ko kung naiinis sila sa kagagahan ko minsan.
Eto na lang naman ang meron akong maipagmamalaki ko. Kagabi nga nahirapan ako matulog kasi iniisip ko kung ano susuotin ko sa battle namin. Eh wala pa naman kaming mahanap sa ngayon na battle na magaganap. Ganun ako ka-O.A. at ka-excited pagdating sa banda.
Nung huli naming battle, kinabukasan nun nakipag-hiwalay na si EX. Di na nga kami naka-kuha ng place, nawalan pa ako ng BF. Malas, malas.
Naranasan mo na ba na gusto mo nang layuan yung tao kaso naduduwag kang sabihin na baka magsisi ka sa huli? Parehas na siguro kami ng nararamdaman ni EX ngayon. O baka ako lang. Kasi yung ugali niya nung iniwan niya ako, ganun padin. At yung ugali ko nang iniwan niya ako ganun padin. Hopeless na ba? Tingin ko hindi. Kasi, makakahanap din kami ng middle ground ni EX. Minsan gusto ko na siyang layuan, minsan ayaw. Nalilito parin talaga ako. Ngunit nagpapasalamat na iniwan niya ako kasi madami akong natutunan.
Ang ayoko eh nakaka-pressure. Ayko ng relasyon na may ganun. Syempre nga, di ba dapat masaya ka at alang problema pag kasama siya. Kaso nappe-pressure ako na dapat magpunta ako sa kanila every week. Eh anung idadahilan ko kay Inay? Di ko naman pwedeng sabihin na kina EX ako pupunta kasi eto lang sasabihin nun:
"Akala ko kinalimutan mo na yun? Saka hiniwalayan ka na nun di ba?"
Aww. Ansakit ng ganun. Nakaka-pressure gumawa ng excuse para makalabas ng bahay. Natumbok ko din! Baka nga hopeless na. Pwera na lang kung magbabago kaming dalawa para sa sarili namin. Pangalawa lang para sa relasyon.
Oist, 16 na ako. Kaiht papano may masasabi na din ako. Saka, pinangako ko sa sarili ko na pagkatapos niya, kung maging kami ulit o hindi na, wala na munang boys. Aral.
Hmm. napagtanto ko na ang pangako ko sa iba, tinutupad ko, pero sa sarili ko hinde. Baliw na ako. :'(
Labels: banda, bitter post, pop-up