Naiinis ako kasi ako ay may Canker Sore o sa tagalog, singaw. Nakagat ko kasi habang nakain ako ng chocolate. Hmpf, lagi naman.
Mababanas nanaman ako sa August 30. Intrams kasi ng akeeng alma mater. Syempre, magpupuntahan kaming mga alumni at alumnae. At pag nagkita, magtatanungan kung saan nag-aaral ang isa't isa. Di sa nahihiya akong sabihin na di ako nag-aaral ngayon (kasi ginusto ko naman), pero ilang beses ko iyon uulitin sa mga magtatanong saakin. Ang aking contemplation thing. Mahaba-habang kwento din yun.
Wala naman magandang nangyari saakin nitong mga nakaraang araw. Yun lang, 5 araw na lang bago mag-bertday. At holiday sa bertday ko. Who cares? Araw araw naman akong walang pasok. Hahaha.
Araw-araw ko din tinitira yung butterfinger sa aming ref. Kaya siguro antagal gumaling ng singaw ko. Lalo pang nasakit. Pero oks lang. Paubos naman na yung butterfinger eh! Haha.
Sabi nga ni Forrest Gump: "I'm not a smart man but I know what love is." Anung konek? Haha.
Labels: looong vacation