Bakit ganun? Pag may nahingi saakin ng favor, di ako maka-hindi. Kahit mahirap yung pinagagawa. Kahit dapat di naman talaga. Kasi, tumatanaw ako ng utang na loob. Itinuro yun saakin ni inay. Na dapat suklian ko ang mabuting nagawa para sakin. Eh pano kung sobra na yung sukli?
Saka, masasabi ko na masyadong aktibo ang konsensya ko. Kasi, pag nangako o nagsabi ako sa isang tao na pupuntahan ko siya, tmutuloy padin ako kahit di ako pwede umalis ng bahay, baha o kaya naulan. Maraming beses ko na ginawa yun.
Pag nag-promise ako sa isang tao, ginagawa ko talaga.
Eto nga pala, ayoko nang ilagay sa aking post kaso nakakapagpabagabag (nabulol ka noh?). May isang lalaki na nagtanong kung pwede akong ligawan. Eh ayoko naman talaga magka-bf ngayon. Di ko naman masabi na friends na lamang kami. Haay.
Masyado na ba akong mabait?
Labels: pop-up