Unahin ko na muna daw boses ko kesa brace. Sabi ko pano yun, ibubuka ko bunganga ko sa kakakanta habang sungki pa ipin ko? Omigod. Maawa naman si inay. Hahaha.
Siguro next month na lang yun. Unahin ko muna braces ko. Matutupad ko na din ang pangarap ko na maging vocalist at lead guitarist at the same time. I can't wait! I really can't!

Ang gusto ko talagang kantahin tas ako padin ang lead eh Making Love Out of Nothing at All ng Air Supply. Taena. Sabog ako dun. Yanig ang studio. Syempre, kakantahin ko yun pag magaling na ako. Ayoko naman mapiyok. Tas sa labas ng studio eh may nanonood na cute boys na naghihintay ng turn para magamit yung studio. Omigod. Save me from that oops moment. Napaka-engot ko pa naman. Bababa na lang ng dyip, nauuntog pa. Naglalakad na lang, natatalisod pa. Ewan ko ba. Lampayatot talaga ako.
