1. Umuwi sa Bataan upang tignan ang lupa namin. Nakaligo ako sa ulan at nagtampisaw sa aming sapa. Hindi magandang maligo dito sa CITY dahil baka makasakit lamang ako. Bawal magkasakit.
2. Na-enjoy ko ang change of scenery.
3. Panandalian kong nalimutan ang mga problema.
4. Mahirap talagang bumyahe ng 5 oras.
5. At eto pa, sumakay kami ng LRT. As usual, natatakot nanaman akong mahulog o matapilok sa butas na iyon. Sisihin natin ang mga palabas na mayroong death scene sa mga train station. Yung tipong nadadaanan ng tren. Naisip ko tuloy bakit tren ang Tagalog na salita ng train.
6. Hindi ko padin alam ang gagawin ko sa buhay ko.
7. Madami pa lang naka-miss saakin sa FS. Gagawa na ulit ako ng mga layout.
8. Napanood ko ang balita kagabi tungkol sa panlalait sa mga Filipino doctors. Sabihin na nating racism. Nakakainis talaga!
9. Gabi-gabi akong nagdadasal na sana dumating na ang pera ni Lola. Gusto ko kasing maging isang doktor. Isang neurosurgeon o di kaya psychiatrist. Pano kasi, 400 lamang ang mga psychiatrist dito sa Pilipinas. Karamihan ay nasa mga siyudad. Napanood ko kasi ang GAPOS na dokyumentaryo. Sa mga probinsiya ay walang mga psychiatrist. Masaya din siguro ang mgaing social worker. Gusto kong makatulong sa mga tao.
I want to make a difference.
Labels: doktor, friendster, LRT