Lahat ay nagsasaya sa party ni EX. Maya't maya ay pinapatawag sila ng banda niya upang tumugtog. At ang gf, being the immature her, ay nababanas na dahil gusto niyang makausap ngunit palisaw-lisaw.
Dun sa loob ng bahay ni EX, sa living room, kasama niya ang kanyang bestfriend. Sobrang bigat ng loob ko nun. Hindi lang dahil sa di ako napapansin ni EX, kundi my intuition tells me something is wrong. Dumaan ang pinsan niyang may hawak na pilsen. 15 pa lang ako nun. Hahaha. May banda din kasing natugtog sa labas ng "Beer". Hiningi ko yung pilsen hanggang naubos ko. Humingi ulit ako ng isa. I got tipsy. Akala ng lahat sa bahay nila lasing na ako. Naging center of attraction tuloy ako.
A month later, tama ang intuition ko. Masyado ko siyang nasakal. Humingi siya ng kalayaan. At ngayon, bumabalik nanaman. And he's giving me something to believe in. Oh, please kill me now.
Ok na saakin ang magmahal. Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Masaya na ako sa ganito. Mas maganda na may oras ako para baguhin ang sarili ko. Para sa ikabubuti ko. Ngayon, minamahal ko muna kung ano ang pangit.
A woman's intuition can never go wrong.
Mahirap ang pakiramdam na nawawala nang unti-unti ang lahat sa'yo. Isang araw, pag-gising mo, wala na talaga. Ang kailangan mo na lang harapin ay kung ano yung sakit na nararamdaman mo. Iisipin mo kung kailan ito mawawala. Pero ang maganda na lang gawin ay take it one day at a time. At para sakin, mas ok kung lahat ng memories ay itatapon. Masakit nang balikan pa. At kung iibig ka muli, do not dwell in the past. At yan ang sinisikap kong gawin ngayon. Awa ng Diyos, nagagawa naman kahit papano.
Labels: heart break, intuition, love