Struggle talaga ang ginagawa ko. Hindi ko alam bakit parang ala ako sa tono ngayon. Pag acoustic lang kaya ko pa. pero pag nakatayo na, nag-gi-gitara at nakanta, pamatay na. Sobrang pressure ito saakin. Kahit yung kalagitnaan ng solo ko sa ikaw pa rin eh hirap ako.
Di ko alam kung san mag-co-concetrate. Sa kanta ba o gitara. Ayoko na kasing mapahiya. 2 na nga ang role ko sa bandang yun, baka sumablay pa ako. Sawa na akong sumablay.

12:58 PM
Iniwanan ako ng pera ni mama pambili ng lunch ko. May inaasikaso kasi siya. Eto ako.. soundtrip. Gutom ngunit alang gana, tinatamad bumili ng pagkain. In short, kaya ako ganito kapayat ay dahil sa kawalan ng gusto sa pagkain. DI ako anorexic o kung ano man. Di ba daw pag in love ka at broken hearted ka ay parehas lang. Kasi di ka din makakain. Kahit makatulog para saakin eh parang panaginip. Parang di talaga ako tulog. Sabi nangyayari daw yun pag may nag-iisip sa'yo. Oo, panong di ako makaktulog. Eh iniisip niya ako. 3 oras lang ang tulog niya.
Nung siesta ko naman e, hinihi;inh ko na wag muna ako isipin. Kasi gusto ko naman matulog. Panalo padin siya. Di ako gaanong nakatulog. Haha.
Nakakbahala na ang pagkawala ko ng gana sa pagkain. Sabi ko pa naman magpapataba ako.
Kakain ako. Kakain ako. Kakain ako. *Repeat to fade*