Kaya heto, vocalization muna. At nanonood ng mga video sa youtube. PInapanood ko kasi kung paano kantahin ng iba yung Lunod at Ikaw pa rin. Payagan na akong magrekalamo ngayon:
ANG HIRAP!!!

Kagabi, nakatulog akong badtrip. SObrang antok sa kakaisip kung paano mag-improve. DI ako makagawa ng sariling techinique kaya naiinis ang pakiramdam ko sa sarili ko.
Syempre, walang ibang makaktulong saakin kundi ang sarili ko. I'm just looking forward sa swimming sa Sabado. Kasabay na nito ang voice lessons in the pool. Tutal di naman ako marunong lumangoy (oo.. nakakahiya, sa laki kong ito di ako marunong..), kaya magpapaturo na lang ako kumanta. Enjoy naman siguro yun. Yung tipong ilulublob ko sarili ko sa tubig. Hahaha.
ILABAS NA ANG GOGGLES AT 2 PIECE!
(Syempre may cover up akong suot. Puro lalake kaya kasama ko!)