BG music in my head: Love fool by The Cardigans
Current mood: Down and High (pwede ba yun?)
I am falling in love and falling out of love with my EX. Pwede ba yun? Pwede man o hinde. Yun ang nararamdaman ko. I feel so down dahil may isang taong nalulungkot, depressed o emo dahil saakin. Sabi niya, ilang araw na siyang di nakain. Lagi siyang tumatawag. at pag kausap ko na, eto lang naman ang mga sasabihin:
"Hindi mo naman ako minahal eh."
"Lagi mo naman ako iniiwan."
"Di naman ako importante sa'yo."
Drama kasi ang forte ng EX ko. Hehehehe. Alam niyang puro mali ang sinasabi niya. Kasi, kahit hanggang ngayon, importante padin siya.
Hindi ko naman mabagsakan ng phone dahil down na nga dahil saaken. So habang nag-da-drama siya, ka-text ko naman si JACK. Masasabing masama ako pero ganito na talga ang nangyari dahil di ko na maibalik ang dating nararamdaman. Tuyo na ang damdamin, eka nga.
Bakit kasi pag wala na sa'yo yung tao. Saka mo hahanapin. Kung kelan napagod na, saka hahabol. Human nature na nga talaga ang ganun. Ayoko na siyang balikan. Mas lalong ayaw balikan dahil sa awa. Ayoko din magsisi sa huli. Kung ano man ang desisyon ko, pinapanindigan ko na. Ayoko matulad ang istorya namin sa ONE MORE CHANCE. Ayoko din yung panoorin!
Pero hindi ko alam ang mararamdaman kung makita siyang may gf na.
Magsisisi? Hindi.
Kurot sa puso? Oo.
Pero magiging masaya dahil masaya na siya.
Sana ay di maging malamig ang PASKO niya. Aminin na, mahal ko padin siya. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay di na sapat upang balikan ang nakaraan.
Ngayon, ang sinasabi ko ke JACK ay: Right time, at the right place, with the right person.
It's time to live separate lives. Time to move on.
Labels: love