Matagal-tagal ako mula nang di nakapag-post. Pano kasi ako'y nagbibisi-bisihan sa aking bagong talent. Ang pagkanta. Hehehe. Hindi ko ma-imagine na ako'y kakanta sa madla. Kasi kahit sa battle of the bands, nahihiya ako gumalaw sa stage. Eka nga ni Bon Jovi:
"I ain't gonna be another face in the crowd, you're gonna hear my voice when I shout it out loud!"
Bumabalik na ang gana ko sa pagbabanda..
Wala naman talaga akong masabi ngayon. Kinakarir ko lang ang pag-ensayo para sa takteng gig na para bukas. May bagong kantang itugtugtog. Para naman maging tatlo. Aba, sayang din naman kasi ang binili kong damit noh. Byolet pa naman ang kulay nito.
Nakakatawa siguro tignan ang aming banda.
Isang pormang emo.
+ isang pormang punk.
+ isang pormang hardcore o metal
+ isang pormang super girly
_________________________
CIXELSYD
Nakakatawa talaga. Akala mo tugtugan eh whoa. Sa una lang naman kami mag OPM. Ganun naman lahat ng banda eh. Nerbyos na talaga ako. Kasi yung guitar solo ko. Putakte. Nasabit pag shredding na ang ginagawa. Oh my. Oh my.
Ang buhay ko ngayon ay banda, internet, banda, internet.
Napapakanta ang puso ko ng: I DIDN'T KNOW I WAS LOOKING FOR LOVE.
Hindi ko ito inaasahan.
Good luck, sana di ko malimutan ang lyrics. Ang guitar solo. At eto - syempre pag debut bago ka kumanta eh magbibigay ka muna ng ilang salita. Mahina pa naman ako doon. Tas di pa ako kakilala ng DEBUTANTE.
Patay kung patay. Keri naman ng damit eh. Hehe.