Naranasan mo na bang maabutan ng sakit ng tiyan sa labas? Yung may cr pero sa malayo pa. Yung makiki-cr ka sa Jollibee. Hahaha. Malala kasing kumulo ang tiyan.
Wag gawing almusal ang donut at softdrinks!
Laging magdala ng DIATABS.
Hindi po ako nagkalat sa pantalon ko. Bigla lang kumulo ang tiyan ko. Nakakabanas. Dahil kahapon ay nag-praktis kami sa studio. Di ako makakanta ng maayos. Pero sabi ni Tim, ok naman daw boses ko.
Pagkatapos ng praktis, NAGSIMULA NA ANG KALBARYO KO.
Umupo ako sa isang tabi, hindi ko na kaya. Sinigawan ko na si Tim ng:
"IBILI NIYO NA AKO NG DIATABS!!"
Sabay bili sila ni Andrew. Pagbalik, wala. Argh. Pinabili ko ulit, may nabili naman sa mercury drug. Thank God na may Mercury Drug sa bayan.
Ending? Buti may CR ang Jollibee. Hehehehe.