Well, nag-isip ako kung ano ba ang magandang topic na mailagay. Dati kasi ay pagka-sipag sipag ko na mag update ng blog araw araw. Baka ang malamig na hangin ay nakapagpa-tamad saakin.
Nakakalungkot na sa buhay nating ito, may mga tao na umaalis, kahit di nila kailangan. Mga taong gusto mo pang makasama ng matagal pero hindi na pwede dahil meron na silang sariling buhay. Nakakalungkot isipin na, sa dami ng mga taong gusto mo makasama o maging kaibigan, karamihan sa kanila ay aalis din. Iba na rin talaga ang nagagawa ng panahon at oras. Ang mga dati mong ka-close ay ngayon hindi na. Ang magagawa na lamang ay ngitian ang isa't isa. Pero andon sa utak mo, ang masasayang sandaling kasama mo sila. Sa luha at halakhak, sa mga kakaibang trip.
Minsan kahit gusto natin ibalik ang BOND at closeness, di na din pala kaya. Napaglayo na kayo ng panahon.
Sana, wala nang umalis na tao sa buhay ko. Di ko na sila papayagang iwanan ako.