Pamilyar ba? Kung alam mo yan, pihadong matanda ka na. Hahaha. O di kaya, sinasayaw mo yan nung bata ka. Naku, tinamaan ata ako run.
Dahil ako ay may photographic memory, naalala ko pa ang pag sayaw ko nun nung bata ako. Shades talaga kung shades, isama mo na rin ang vest na kulay puti. Cotton ang tela, at may polka dots na kulay blue, pink at green. Kung itatanong niyo para saan ang vest? Well, props un. Habang simula ng kanta, huhubarin mo ng dahan dahan. Yung tipong suspense. Yung tipong mapapa palakpak ang mga tiyahin mo dahil si BANDENG, ang kanilang DENG ay sumasayaw nun. Isang mataba at maputing bata.
Habang naaalala ko iyon, natutunaw na ako sa hiya nang tumanda na. Grabe, anong pumasok sa utak ko para sayawin iyon? Hahaha.
Mahilig lang talaga ako sumayaw - noon. Pati naman ngayon eh. Pero sa kwarto na lamang, sa studio habang may jam (pero pigil parin kahit nakanta), at sa banyo. Kung saan ako lagi ay may song and dance number.
Matapos ng Always by Erasure na sayaw na yun, ako'y lumipat sa Macarena, hanggang naging Shalala, ilang sayaw nung elem sa Xmas Party, dance number ng mga muse nung 1st year, Dance Contest nung 2nd year, La Cucuracha ng 3rd year (letseng MAPEH yun!) at isang intermission nuber nung 4th year. Oo, ang payatot na malaman na ngayon na ako ay sumasayaw rin.
Hala heto nanaman. Si Tim. Naalala ko tuloy ang sinabi:
"Pinaka mahirap turuan sumayaw yung payat na matatangkad."
Biglang sumama ang tingin ko sa kanya. Holy cow. Tinamaan ako doon. Nainis tuloy ako. Kasalanan ko bang mgaing payat na matangkad? Tsk, tsk. Magaling lang kasi siya sumayaw kaya ganun.
Bumalik tayo sa kahihyan ko nung pagkabata. U.N. namin noon, nursery ata ako o kinder. New Zealand ang country ko. HIndi ko alam kung bakit iyon ang pinili ng nanay ko. Dahil ba maraming gatas o baka doon? Weird talaga ang nanay ko. At ang aking costume, isang pink na sunday dress. Kahiya hiya. Pwede namang Philippines na lang! Muka naman akong ethnic nang tumanda. Hahaha. O di kaya eh Japan! Haay naku.
So iyon na, hindi ko talaga alam kung sinumpa na kaong malasin sa modeling. Dry run noon, beautidul girl ang kanta..
Beautiful girl... wherever you are... Boogsh!
Nadapa ako. T_T
Hindi ko alam kung pinagtawanan ako ng mga klasmeyt kong maldita, o mga wafu kong boy klasmeyts. Ang tangi ko lang napansin eh ang dalawang high school students na tinulungan ako tumayo. Ayee. Lumalande na kasi ako nung pre school pa lang. Hahaha.
Nung 1st year din, nung muse ako ng green team, kahiya-hiya ang modeling ko. 2nd year, nung fashion show, natapilok ako habang ginagawa ang "fountain". Ewan ko kung maraming nakakita.
ang gusto ko iparating: Ako ay isang lampayatot.
*bow*
Labels: oops moments, sayaw