Heto nanaman ako. Ninenerbyos. Kinakabahan. Freaking out.
Kung maririnig niyo lang ako kumanta dati, para lang daw ako natula. Oo, natula lang daw. Natawa tuloy ako. Nagpasalamat ako kay TIM na gumanda ang boses ko. Hindi rin naman masasabing maganda talaga. Pero nasa tono naman. Ang sabi niya ang naitulong lang daw nilang mga kabanda ko ay PRESSURE. Gumagaling daw ang tao pag pressured.
Sa December 25/PASKO/MONTHSARY ay battle na namin. Sana ay di ako batuhin pag kumanta. Ang pang battle daw namin ay Lovefool by The Cardigans. Gusto niyo ng demo? Rough demo lang yun. Asa multiply ko. Paano kasi, kulang ako sa stretching kaya di ko naiayos.
http://yazor.multiply.com
Ihanda niyo na ang tenga ninyo. Hahaha.
Malayo narin ang narating ko. Natupad ko na rin ang pangarap ko. Dati kasi, hanggang panaginip na lang ako. Basta ba gumawa ka ng paraan para sa pangarap mo, kasama ang mga tamang tao, konting swerte at sandakot ng kapal ng muka. Magagawa mo yun. Walang duda.
Sana ay patnubayan ako ng Diyos sa battle. Sisikapin kong hindi ipahiya ang banda ko. Gagawin ko pala.