
Iyan, ako'y tinag ni Ate Ame. Malapit na ang pasko. Ibig sabihin, malapit na ang monthsary at battle of the bands. 3 in 1 ang December 25. Ang amoy ng pasko saakin ay hindi bibingka o puto bumbong (ewan ko kung yan ang spelling). Kundi amoy ng bagong pera. Yung malulutong pa. Hehe. Pano kasi, bawat taon, binibisita kami ng mga tita kong taga Las Pinas. Di ko alam pano enye. Parang kaming mga refugee na nakalinya. Naghihintay sa iaabot ng mga tutulong. Pagkatapos mong pumila, paldo na ang pera mo. Saka na kami maghihiwa-hiwalay. Parang di magkakakilala. Hahaha.
Ewan ko. Yun ang nakagawian. Matapos kumain, ang regalo at pera. Kanya kanyang business. Minsan ang dating nila Tita ay pasko, o bagong taon.
Hmm.. Ako eh di naman masyadong mapag hangad.
1. Magkaron na ng lovelife si Ate Ame. Sana talaga, o kung di man. Maging masaya ang pasko niya.
2. Lalong tumibay ang relasyon namin ni Tim. Ewan ko ba, mas lalo akong naging mature. Hindi na ako ganun ka childish tulad dati. Di na rin ako ganun kasungit at kapikon. Basta ibang klase. Di ko lang siya boyfriend, best friend din. Kasi kung matibay, tatagal. Malimutan sana niya na madaming babae sa tabi tabi.
3. Tumaas na ang palit ng DOLYAR! Maawa naman sana ang gobyerno. Bumababa tuloy ang halaga ng napapadala ni Papa.
4. Makasungkit ng place sa battle. O kahit isang BEST na award sa kahit sino sa banda. Kaya ko to!
5. Wala na sanang magutom. O di kaya eh mabawasan ang rate ng mga batang malnourished. Pangalawa na ang Pilipinas sa pinaka madaming malnourished na bata. Basta pangalawa. Una ang Africa.
6. Maging masaya ang mga mahal ko.
*bow*
Malamang aking ita-tag si IGNORAMUS, NHOI at ANNE.