Kami ay weird. Di ko talaga magagawa ang pag post ng picture ng xmas tree. Dahil kailanman, di ako nakaranas ng Xmas Tree. Ewan ko, di naman dahil sa wala kaming pambili. Di namin masyadong ipinagdidiwang ang pasko. Kasi, para saamin araw araw ay pasko. Hanggang parol lang kami, o xmas lights. Ganun talaga kami. Hehehe.
HIndi ko alam kung may lahing Grinch ang pamilya ko. Sadyang ganun siguro.
Change topic.
Well, mga 10:25 PM na ako nakauwi. Galing sa plaza ng Santa Rosa. Bakit? Dahil sinuportahan ko ang Tim ko. Pinanood ko ang dance number niya. Sabi niya, kita daw kami sa bantayog ni EMO a.k.a. estatwa ni Jose Rizal. One sided kasi ang buhok niya. Hahaha. Buti ay dumating si Arvin (ang kanyang anino/ band mate/ partner sa kalokohan), kaya may kausap ako. Mga 1 oras din ako naghintay. Mukang tanga sa plaza.
SO yun, napanood ko siya sumayaw. Pinag titinginan ako ng mga tao. Kasi, sobrang tawa ako. Bakit? Kasi nakakatuwa, magaling siya sumayaw. Talentado siya. Kinikilig at kabado ako nun. Ang lakas ng tawa ko. Ewan ko ba. Pero sa personal ay di ko sinabi na magaling siya sumayaw. Alam naman niya yun, at saka, baka lalong lumakas ang hangin. Basta AYOS.
Basta, lagi ko siyang susuportahan. Kasi, gusto ko. Kasi, dun siya masaya, pati rin ako.
Tim, alam kong lagi mo binabasa ang blog ko. Thank you so goto!