Pano ka ba makakasigurado kung ang isang tao ay mahal ka? Pano mo malalaman kung mahal ka ng mga tao sa paligid mo? Nararamdaman ba iyon? Hindi ko alam.
Pero may napagtanto ako. Na mararamdaman mo na mahal ka nila kung bubuksan mo ang puso at isip mo. Kung walang tiwala, wala. Ngunit hanggang saan, kelan o paano nila mapaptunayan ito sa'yo? Kailangan bang mismo ikaw ang sumubok sa kanila? O mga pangyayari sa buhay ang susubok?
Kapag nagmahal ba ng tao, pag napagod ka, eh di no ma sila mahal? Di ba may matitira parin kahit anong tagal ng panahon? Kapag nagmahal ka ba ng bago, dapat mo uli ibigay ang tiwala na nasira na sa nakaraang relasyon? Paano na kung natatakot ka? Alam mo na rin kasi na sa huli, ikaw lang ang iiwan kahit gaano ka magmahal ng totoo, gaano mo kagustong magkasama pa kayo.
Bakit ba kailangan iwan ng mga taong mahal? Ganun ba dapat para matuto ka? Paano kung mabait ka naman, kailangan ka pa rin bang turuan ng Diyos? Kailangan ba parusahan? Bakit ba nararamdaman ang sakit? Bakit ba kailangang danasin ang lahat ng ito? Kahit ba mga matitino at mababait na tao ay kailangang makaramdam ng sakit?
Lahat ata ng bagay sa mundo ay walang kasiguraduhan. Siguro nga, kaya nauso ang TIWALA at PANINIWALA.