Di ba'y ito'y nagbibigay ng liwanag? ng pag-asa? ng pagkakaisa? Ngunit paano na kung ang ilaw o bumbilya na ito ay naging mitsa ng pag-aaway? Napakababaw hindi ba?
Naka-pajama pa ako ngayon. Nakakatawa isipin na dahil sa ilaw na yun ay "lumayas" ang kuya ko. Napaka-bobo niyang tao upang makipag-away sa isang 16 anyos na dalagita. Di ko maipaliwanag kung anong saya ang nadarama ko na wala na siya.
Buong buhay ko, wala akong ginawa kundi umunawa at tumanggap ng sakit ng katawan sa kanya. Hindi naman kasi ako makalaban. 14 na taon ang tanda niya saakin. Ayokong maging isang stirya ito ng child abuse, kasi hindi naman talaga.
Masyado lang polluted ang utak niya ng mga makamundong bagay. Hindi siya marunong umapak sa lupa. Isa siyang troublemaker, isang problem child at napaka-sinungaling. Napaka sama ba ng imahe na naibibigay ko sa kanya? Yun kasi ang totoo.
Kagabi kasi ay kinuha niya ang ilaw sa kwarto namin. Eh maaga nagigising ang kapatid kong isa, dahil ala sais ay sinunsundo na siya ng kanyang service. Inaalala ko lang ang kapatid ko.
Nakakahanap ako ng saya pag sinasagot ko siya. Nagkaka-adrenaline rush ako. Bakit? Dahil
naipagtatanggol ko ang sarili ko. Ito ang nangyari kanginang umaga:
Ako: *Nakahiga sa kama* Kuya, PAKI balik yung ilaw.
DEMONYONG KAPATID: Eh bakit! Dito naman talaga ito ah.
Ako: Ang ayos ng sinabi ko ah!
DEMONYONG KAPATID: blah.. blah.. blah.. blah.. (Ayoko nang sabihin mga sinabi niya)
At nagtuluy-tuloy ang sagutan..
*Bigalang sumugod ang demonyo, napabangon naman ako*
Ako: *Sumisigaw na* Ano sasaktan mo ako?! Ha?! Di ba sabi ni Papa wag mo ako sasaktan?!

Iyon, malapit na talaga akong masuntok. Buti nasipa ko siya at napalayo siya. Malaki po siyang tao. 6 footer at malaki ang katawan. Ang umaga ko ay puno ng AKSYON at drama. Pati din comedy.
Trivia: Pinsan ni Papa si Rene Requiestas. Yung dating comedian. Pamangkin kasi ni Lola. Sssh! Wag kayo maingay! Ang magbabasa lang nito ang makakaalam! Hindi sa kinakahiya ko ang tito ko.. Lahi ata kaming artistahin. Mother and father side. Models ang mga pinsan ko. Napapanood niyo sila lagi sa mga commercial.
Nung bandang huli, "lumayas" na siya. Tinanong ko sa Diyos kung ano pa ba ang kailangan kong gawin bukod sa pagdarasal para tumino na siya. Na kulang pa ba ang pagdasal ko?
Masaya ako na naipagtanggol ko ang sarili ko. Napagtanto ko na ang bumangga saakin ay gigiba. Bihira lang akong maging bayolente. Maging katulad kanina. Kasi kung mabait saakin ay mabait din ako. Siya pa itong nagmamalaki. Bobo siya. Dinadaan pa niya sa tanda at laki. Akala naman niya di ko siya matatapatan.

Alam ko, sa takdang panahon, na kapag tinalikuran siya ng mundo, tatakbo din siya sa pamilya niya. At sa oras na iyon, nakatapak na ang mga paa niya sa lupa.